Laruang Tabi

14 10 2011

Sing lawak ng ating mga karagatan,

Ideyang naiisipan, makagawa ng laruan.

Ito man ay maaaring mga pangkaraniwan,

O mga hango sa makabagong kapanahunan.

.

Sadyang napakabilis nang takbo ng panahon,

Kay raming disenyo ng laruan ang nagkakaroon.

Ibang laruan naman ay sadyang natatambak,

Bihirang napaglalarua’t tuluyang nawawasak.

.

Di lahat ng kabataa’y nagkaroon ng laruan.

Minsan pa’y iba ang kanilang napaglilibangan.

Gaya ng mga kabataang minsa’y nasaksihan

Nang ako’y nagawing Maynila na may kalakihan.

.

Maraming mga laruan ngayo’y gawa sa plastik,

Ang iba nama’y nasa plastic na may sinisiksik.

Animo’y oxygen tank na sa hospital ginagamit,

Yun pala ay kanilang laruang hinihithit.

.

Sa musmos nilang pagkatao, sadyang nakakabahala

Sila sana’y naglalaro at malulusog pa.

Ngunit iba ang kanilang naging kapalaran,

Ngayo’y sila’y sabog at wala ring magulang.

.

Oh laruan, pangkaraniwan o makabago

‘Wag sanang ipagkait sa mga musmos na’to.

Bigyang ngiti muli sa kanilang mga labi,

Ating ihandog kunting pagkai’t laruang naitabi.

***Ang tulang ito ay lahok sa Saranggola blog awards 3.***

Advertisements

Actions

Information

2 responses

10 01 2012
Dabaw

nice! glaing ng composition. sana ma share mo to sa biggest social networking in dabaw. Dabaw.net dudumugin tlaga to ng likes from davao! proud to be dabawenyo!

13 01 2012
silaab

hi dabaw! wow… nice… thanks for visiting my site. 🙂 yes, very proud to be a dabawenyo. 🙂 parang fb ang dabaw.net naks. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: