Dear Papa

15 10 2013

Dear Papa,

Naalala ko lang po yung sinabi mo sa akin, “Sulat ka ‘nak, ah.” Kaya ito po, sulat ko po para sa iyo, Papa.

Di man tayo isang marangyang pamilya ay may mga pagkakataon akong nakakapagliwaliw sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Nakakatawa nga lang isipin na ikaw yung nagtatrabaho para sa pamilya pero ikaw pa yung di gaanong nakakapagliwaliw. Kaya isa sa mga pangarap ko ay makapagliwaliw tayong mag-anak na medyo malayo para makapagsaya kahit minsan. Pero on the process pa yun kasi kakasimula ko pa lang sa mas magandang trabaho.

Sa loob ng higit labing limang taon na nalayo ka sa ating pamilya dahil sa trabaho, di man ito sa ibang bansa, ngunit Visayas pa rin ang ating pagitan.Noon, nakakauwi ka lamang every quarter ng taon. Ngayon, buti nalang at every two months na. Alam ko pong kami ang iyong kayamanan kung kaya’t pinagsikapan mong maitaguyod ang ating pamilya malayo ka man sa atin. Bilang ganti, kaming magkakapatid ay nag-aral nang mabuti at nagtapos ng may karangalan na alay naming sa inyo ni Mama.

Nakapagtapos na kaming lahat sa pag-aaral at malaking pasasalamat naming sa inyong suporta. Kahit sa pagkuha ko ng post graduate degree, salamat po at di niyo ako iniwanan – hinatian niyo ako ng pangtuition. 😉 Buti nalang at nagbigay din iyon ng pagkakataon na makapagliwaliw tayo saglit dahil sa graduation ko. Pero di pa po yun yung treat kong paggala sa ating mag-anak, kayo pa po yung gumastos noon. 😉

Sadyang mapagbiro ang tadhana, nauna kaming natapos ni kuya sa pag-aaral, pero si bunso ang pinakaunang nagkaroon ng trabahong masasabing totoong trabaho – pagkat may mga benepisyo at maayos na sahod. Gayunpaman, pasalamat pa rin kami ni kuya sa inyo ni Mama sapagkat may mga mapagkakakitaang bagay na aming naiisip na inyong sinusuportahan.

May mga nakakatuwang bagay sa buhay na ating napagtanto at isa na rito ang “walang nagiging mayaman sa pagiging empleyado”. May mga ilan-ilang sasang-ayon at meron ding hindi. Datapwat, kailangan maging marunong sa buhay – sabi nga ng komersyal ng Surf, dapat wais!

Bagamat pareho kaming nars ni kuya, di nauwi sa hospital ang career namin. Si kuya ngayon ay isang nurse-entrepreneur na sa buko shake kumikita at ngayon may lechonan pa. Ako naman, may trabaho at raket sa paggawa ng mga masasarap na panghimagas. Di naging madali sa umpisa pero ang inyong suporta kasabay ang pagdarasal, may mga natamo tayong di man karangyaan ay isang buhay na payak.

Naging sustansya naming ang iyong mga pangaral at takot sa Diyos para sa isang mapayapang pamumuhay. Hangad ko na mabigyan ka lagi ng malusog na pangangatawan at marami pa tayong gagawin sa hinaharap. Nawa’y ang ating mga plano ay babasbasan ni Papa Jes upang maisakatuparan at makatulong tayo sa kapwa.

Maraming pagbabago sa hinaharap. Maraming pagsubok rin ang darating. Ako, habang nasa isang paglalakbay na sinusulat ang liham na ito ay nagpapasalamat nang buong puso sa suporta at tiwala sa mga bagay na aking ginagampanan. Dahil sa inyo, buo ang aking pagkatao at pananalig sa Diyos na lahat ng mga nangyayari ay may haplos ni Papa Jes.

Dito na lamang po at marami pa tayong kuwento sa hinaharap.

Nagmamahal na anak,

CJ

Lahok sa Saranggola Blog Awards 5

Saranggola 336x280

dmci homes logo

Advertisements




18-24

15 10 2013

LANGHAP ANG USOK, DUMI NG HANGIN, AT AMOY NG BASURA

KATAWA’Y DI PROTEKTADO NGUNIT DI ITO INAALINTANA.

SA LAHAT NG PANAHON, BANGKETA ANG SILUNGAN,

PAGKA’T MARALITANG TAGA LUNGSOD, HIRAP MAGKAROON NG SARILING TAHANAN.

KATAWAN ANG PUHUNAN SA ARAW-ARAW NA PAGHAHANAPBUHAY,

NGUNIT KATAWA’Y DI NAAALAGAAN DAHIL SA DAMI NG KAKULANGAN.

KAKULANGANG DI HINAHANGAD PARA SA SARILI AT PAMILYA,

KAKULANGAN DIN NA DI AGAD NAKUKUHA ‘PAG ALANG PAGSISIKAP.

KAILANGAN NG KATAWAN ANG WASTONG NUTRISYON,

KAILANGAN DIN NG KATAWAN ANG SAGANANG TULOG.

NGUNIT SA TINDI NG MGA PANGANGAILANGAN,

KATAWA’Y NAKOKOMPROMISO AT NAKAKALIMUTAN.

MAY MGA NARARAMDAMANG DI PINAPANSIN,

MAS INIINTINDI ANG DAPAT KIKITAIN.

MADALING ARAW AY DI PA RIN NATUTULOG,

NAGING SANAY SA PANGANGALKAL, ANG TAGURI’Y BATANG-HAMOG.

SA ORAS NA TIRIK ANG HARING ARAW,

KATAWANG NAABUSO’Y TILA SA APOY NADADARANG.

KUNG GABI’Y PAYAPA, MALIWANAG ANG BUWAN,

KATAWANG PATANG PATA, SA PAWIS AY NALIGO TILA.

LUMIPAS ANG ILANG LINGGO, KATAWA’Y NANGANGAYAYAT.

UBO’Y LUMALALA AT DI NAIPASUSURI, PAGKAT DI SAPAT ANG KINIKITA.

KATAWA’Y NAGING MARUPOK AT MADALING NAPAPAGOD,

DAHIL SA KAKAUBO’Y SOBRANG SAKIT NG LIKOD.

SA BANGKETANG PINAGLALAGIAN, DINADAANAN NG MGA TAO.

IBA’T IBANG KLASE NG TAONG KARAMIHA’Y NAGTATRABAHO.

KONDISYON NG KANYANG KATAWA’Y MAS LALONG LUMALALA,

BUTI AT MAY NAGMAGANDANG LOOB AT IPINATINGIN ANG BATA.

PINASURI ANG KATAWAN SA PINAKAMALAPIT NA HEALTH CENTER,

SA KASAMAANG PALAD, ISANG SAKIT NA NANUMBALIK ANG NAKITA.

MAS MALUBHANG TUBERKULOSIS ANG SIYANG INAAKALA,

KUNG KAYA’T INIREFER SA MAS DALUBHASA.

ANG MGA SINTOMAS NA SIYANG NARARAMDAMAN,

KAALINSABAY NG MGA RESULTA NG LABORATORYO,

IMINUMUNGKAHI NITO ANG MAS MASINSINANG GAMUTAN

NA SIYANG HUDYAT SA PAGKAKAALIS SA BANGKETA KAHIT PANANDALIAN.

LABINGWALO HANGGANG DALAWAMPU’T APAT NA BUWAN

ANG SIYANG BIBILANGIN PARA SA TUTOK NA GAMUTAN.

LILISANIN ANG BANGKETANG KINALAKHAN AT TINULUYAN,

SIYA’Y KUKUPKUPIN AT MAWAWALAY SA PAMILYA PANANDALIAN.

ISANG HALF-WAY HOUSE KUNG SAAN SIYA MANANATILI,

ISANG TAHANAN KUNG SAAN SIYA’Y MAGPAPAGALING.

SA LOOB NG 18-24 NA BUWAN NA GAMUTAN,

WASTONG NUTRISYON AT PAHINGA’Y MAGING SAPAT AT DAPAT IPANATILI.

Lahok sa Saranggola Blog Awards 5

Saranggola 336x280

dmci homes logo





SBA 2012 BlogSikat Starting NOW!!!

2 11 2012

I have my entries for the Saranggola Blog Awards or SBA 2012 which has two categories to win a prize; one is through the judges and second is through likes in facebook. 🙂 Saranggola Blog Awards is a literary contest in Filipino language. It is composed of literary writing for maikling kwento (short story), kwentong pambata (children stories), tula (poem), sanaysay (essay) and larawan (photo). This year’s theme is about LAKBAY or JOURNEY/TRAVEL. Among the categories, I joined under 3 categories; it includes in tula, sanaysay and larawan. 🙂

Here is my entry for the photography:

Its title is Ang Rampa de Walis with the following captions: “Di lahat nang lakbay ay gala, kung minsa’y, ito ay panininda.” In which, it is translated as not all journey is travel, sometimes it is selling. You can click on the photo and like it on facebook. 🙂

Here’s my essay entry:

It is entitled, “Ako si CJ, Laking Davao!” It is an essay highlighting Davao City and the region as a peaceful place to be that can offer nature’s best, culture and history. Though its history on the Japanese settlement before World War II has not been expounded. This essay wants to present a brief view of the Japanese touch in Davao City. This essay aims to make Filipinos know that Davao City may not have the colorful Spanish arts and culture as to churches and buildings; it offers colorful Philippine-Japan friendship that can be seen until today. Just click on the screenshot and feel free to like it on facebook. 🙂

credits to SBA 2012 for the screenshot

Here’s my entry for the poem:

It is entitled “Lakas Loob”. This poetry wants to present a Filipino positivism amidst the challenges in life. Feel free to click the screenshot and like it on facebook. 🙂

credits to SBA 2012 for the screenshot

The like point system of the contest doesn’t affect the judges’ decision. But these literary works want to be shared and like to many to help inform the beauty of our country, people, nature and history.

Silaab hopes for your support. 🙂 Click the photo or screenshot, read and like it on facebook.

Thank you!

Madayaw!





Ako si CJ, Laking Davao!

15 10 2012

Ang kamalayan ng bawat indibidwal ay nahuhubog kasama ang mga tao, kapaligiran, kultura at kasaysayan. Bilang isang taga-Mindanao, napakalawak ng scope nito. Nasasama ang mga pook na sinasabing magugulo at alang kapayapaan. Subalit, kailangan nating himay-himayin ang bawat lugar na ito upang malaman ang bawat kuwento at kalagayan nang isang lugar. Gaya ng isang cake, ito ay hinahati at bawat hati ay mayroong disenyong ating maaappreciate. Ito ang kuwento ko – ako si CJ, laking Davao!

Ang heograpikal na pinagkalagakan ng Lungsod ng Dabaw ay nasa timog-silangang bahagi ng bansa. Dito kung saa’y klimang tropikal ang siyang mararanasan; kay sarap itampisaw sa mga naggagandahang mga coastlines na ang puputi ng mga buhangin, kung di naman puti, gray, pero ang pino pa rin. Pagkatapos magtampisaw, maaari ring subukan ang pag-akyat sa mga kabundukan at masilayan ang ganda ng lungsod galing sa ibabaw; napakapresko at luntiang-luntian. Ang maganda pa rito, di dinaraanan ng mga mababagsik na bagyo. Dito rin matitikman ang mga masasarap na prutas gaya ng durian, mangosteen, suha, rambutan, saging at marami pang iba. Ito rin ang naging tahanan ni haring ibon – Philippine Eagle at may buwayang nagngangalang pangil, singlaki ni Lolong ng Agusan.

Ang lungsod na ito ay tahanan rin ng mga Kristiyano, Muslim at mga lumad na tinatayang aabot sa sampung tribo na alang gulo – at ako’y namulat sa lungsod na ito na may ayos at kapayapaan ang bawat tao.  Napakakulay ng kulturang masasaksihan sa lungsod na ito at naging inspirasyon ang pagsasama-sama ng mga magkakaibang grupo ang pagkakalikha ng isang masayang pista na kung tawagin ay KADAYAWAN. Subalit, bago naging KADAYAWAN, ang pistang yaon ay alay para sa mga kilalang hari at reyna ng lungsod at iyon ay tinawag na APODUWALI. Ang APODUWALI ay hango sa Bundok Apo, durian at waling-waling na siyang mga popular na mga icons noon hanggang sa ngayon. At dahil di lamang sina APODUWALI ang saklaw ng Dabaw, isinama na rito ang mga taong nagkakabuklod kung kaya’t sumibol ang KADAYAWAN na hango sa salitang dayaw na ang ibig sabihin ay maganda at importante. Ang KADAYAWAN Festival na ito ang siyang naging selebrasyon ng pagpapasalamat sa biyaya ng kalikasan, yaman ng kultura, masaganang ani at mapayapang pamumuhay.

Kaygandang pagmasdan ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga tao at ako’y saksi sa dalawampu’t limang taong paninirahan sa progresibong lungsod na ito. Subalit, di natin maikukubli na ang lungsod ay nakaugat pa rin sa lupain ng Mindanao at ang kadalasang balita na ipinapalabas sa mga telebisyon ay giyera sa Mindanao, talamak ang kahirapan at mga lugmok na pamumuhay ng mga tao. Nakakalungkot isipin na ako bilang taga-Mindanao, at taga-Davao, ipinapakita ng mga tao sa MEDIA na ang lugar namin ay salamin ng kahirapan. Ang giyerang nasa kasuluk-sulukan ng Mindanao ay pinapalaki na saklaw buong kapuluan kabilang na ang mga alang giyerang lugar tulad ng sa Davao.

Ang mga pangyayaring yaon, di ko man mababago, ay nagpasimula sa akin upang ikampanya na mapayapa, progresibo at nararapat sa turismo ang lungsod ng Dabaw kahit sa maliit na paraan gaya ng pagbloblog. Dito sumibol ang paglikha ko nitong silaabdabaw o ang aking pag-aasam na ipakilala ang lungsod at buong rehiyon sa mundo ng blog na aabot kahit saanmang panig ng mundo. Ang iba’y natawa sa ideyang aking naisipan at ang iba naman ay natuwa dahil sa aking adhikain na ala namang bayad.

Teka lang, hinto muna…

Napag-uusapan natin ang tungkol sa mga tao, kapaligiran at kultura ng lungsod, ano naman ang maibabahagi ng lungsod na nauukol sa kasaysayan?

Pinakapopular ang mga lugar dito sa Pilipinas kung saan mayaman ang kasaysayan. Ilagay na natin sa listahan ang Maynila, Cebu, Bohol, Iloilo at iba pang lugar. Mayaman ang mga nasabing lugar sa mga yugtong pananakop ng mga Kastila. Makikita mo ang mga daan-daang taon at naggagandahang simbahan, siyudad sa loob ng siyudad, sentenaryong mga unibersidad, mga antik na imahe, at marami pang iba. Ngunit kung ating iisipin, di lamang mga Kastila ang siyang nanakop sa ating bansa, dumaan rin tayo sa kamay ng mga Hapo’t mga Amerikano. Ano ang punto ko rito? Gaya ng mga nasabing lugar, ang lungsod ng Dabaw ay naging bahagi ng mga yugtong kinabibilangan ng mga Kastila, Hapon at mga Amerikano. Di man lahat ng mga pangyayaring nangyari sa ating kasaysayan ay magaganda, ito ay bahagi pa rin ng ating kasaysayan at mainam na malaman; ito’y magiging sangkap sa pagpapalago ng turismo sa bansa o lungsod. Dito ko hinugot ang aking mga napagtanto ukol sa turismo, sana’y mapalaganap ang yugtong Hapon sa lungsod at nang mahikayat ang mga turista na malaman at tingnan ang mga tagpong ito.

Di ako si Kuya Kim, pero alam mo ba, ang Davao ay dating tinaguriang Davaokuo o little Tokyo ng Pilipinas bago pa man ang ikalawang pandaigdigang sigalot? Ngayon siguro’y alam mo na… Ngunit kukunti lamang ang mga artikulo ukol rito, siguro dahil sa pagkamuhi sa pananakop ng mga Hapon, di gaanong pinalawak ang ukol sa kasaysayang ito.

Filipino-Japanese Friendship

Ang lungsod ay naging tahanan ng mga Hapones na mga mangangalakal sa katimugang bahagi nito. Kung kaya’t ang ibang pangalan ng mga barangay at kalye ng lungsod ay may mga pangalang Hapon tulad ng Dakudao, Talomo, Mintal, Bago-Oshiro at iba pa. Di lamang sa mga pangalan nakikita ang pagtira ng mga Hapon sa lungsod, may bakas ng pagpapatayo nila ng mga paaralan kung kaya’t dito matatagpuan ang pinakamalaking paaralang Hapon, may mga industriya tulad ng sa abaka at iba pang pang-agrikultura. Sa mga taon ng ikalawang pandaigdigang sigalot, may mga tunnel silang ginawa na hanggang ngayo’y makikita at mapapasok pa na may mga replika ng mga bagay na makikita doon gaya ng armory at mga kulungan ng mga bihag, mga bombang ginamit, pangmedikal na kagamitan, mga mapa at marami pang iba.

Ang mga bagay na ito’y aking nalaman dahil sa aking pagkagustong kilalanin nang husto ang bayang aking kinalakhan. Di ako nabigo, maraming bagay ang aking natuklasan. Di lamang tao, kalikasan at kultura ang bumubuo sa aming lungsod; kasama rito ang makulay na kasaysayang nagnanais maisiwalat at magmarka sa buong mundo. Ito ang mga pagkakataong nagpapakilala sa akin bilang isang advocate ng lungsod lalo na sa turismo, di man ito opisyal, sa puso’t isipan ko, alam ko ang naibahagi ko. Gusto kong sabihin at uulit-ulitin, ang Lungsod ng Dabaw ay saklaw ng Mindanao, ngunit di ito lupa ng putukan kundi ito ang lupang ipinangako kung saan may ayos at kapayapaan ang bawat tao, na hinubog ng panahon na may impluwensya ng mayamang kultura’t kasaysayan.

Ang blog o sanaysay na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 na may temang “LAKBAY”.





LAKAS LOOB

15 10 2012

Sa pagdampi ng sikat nang araw sa nananamlay na katawan,

Bubungad sa kamalayan ang isang umagang alang katiyakan.

Maganda o hindi ang siyang maaring asahan,

Subalit mukha nang pag-asa ang siyang matutunghayan.

Pitu-pito, walu-walo inaasahang swerte sa pagtaya nang lotto,

Sa di alam na kadahila’y kating-kati ang mga kalyo

Nagbabadya ba nang pagkakapanalo,

O sadyang alang hugas lang ang mga kamay mo?

Walang pag aalinlangan sa pagbangon sa papag,

Kating-kati ang mga paang di pa laspag.

“Magandang araw!”, sambit kay haring araw.

Isang bagong umaga sa malayong lugar ang tanaw.

Alang anu-ano’y ihahanda ang sarili – liligo, kakain, at lalakbay…

Isa, dalawa, tatlo… Sabay sigaw, “Ale, bili na kayo ng kalamay!”

Masarap, mas masarap at napakasarap na kakanin,

Di ka mauumay sa dami nang maaring tangkilikin.

Habang pasan-pasan ang mga bilihin,

Hindi iniinda ang mahabang lakbayin.

“Aray!”, sigaw dahil sa pagkakabulasot sa may pilapil,

Nadapa, naputikan, at nahulog ang mga tinitinda.

Ang mukhang gusut-gusot, di nakitaan ng pagkalungkot.

Subalit, kinuha ang mga paninda’t pinagpag ang mga balot.

Parang beauty queen, tumatayo at patuloy pa rin ang pag rampa.

Animo’y si Miriam Quiambao at Venus Raj na pinagsama.

Isa, dalawa, tatlo… Kembot doon, kembot dito.

Paglalakad na di alintana ang hinaharap na kalbaryo.

Ngayo’y humaharorot na parang ambulansya,

Nananabik pauwi at hapunan ay ihahain pa.

Takipsilim ay nariyan na, binabalot ang buong kapaligiran,

Sa pagmasidmasid sa kapaligiran, napatingala at napangiti ka lang.

Kaygandang pagmasdan ang naglalarong kulay sa kaulapan

Tila mga problema’y kinulayan at nawala na rin dahil diyan.

Yaon na ang pagtatapos nang makulay at masalimuot na tagpo,

Ang mga karanasa’y parte na lamang nang isang makabuluhang kahapon.

Sa paglalakbay na yaon, di tutumba sa damdaming pinagtibay ng panahon

Sadyang tibay ng loob ang magdadala ng aliwalas sa lakbay natin ngayon.

Ang tulang ito ay aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 2012 na may temang “LAKBAY”.





Ang Rampa de Walis

14 10 2012

 

Ito ay kuha sa isa sa mga kalye sa Lungsod ng Dabaw kung saan may isang aleng naglalakad, dala-dala ang mga panindang walis. May mga maliliit at malalaki rin.

Di lahat nang lakbay ay gala, kung minsa’y, ito ay panininda.

Ang larawang ito ay lahok sa ika-apat na Saranggola Blog Awards 2012 na may temang “LAKBAY”



 





Silaab Dabaw’s Award from Saranggola Blog Awards

25 12 2011

Blogsikat Award for Silaab

I am sharing this award for my dear readers. 🙂 Silaab has won an award from Saranggola Blog Awards 2011 on the photo entry category – Blogsikat. Congratulations to us!

Until next Saranggola Blog Awards. 🙂

Madayaw!